Paniningil ng danyos sa may-ari ng MT Princess Empress isusulong sa Kamara
Tinatayang umaabot na sa mahigit 1.1 billion pesos ang damage na kailangang bayaran ng may-ari ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni House Tourism Committee Vice Chairman Congressman Marvin Rillo na dahil sa lawak ng pinsala ng oil spill mahihigitan pa nito ang compensation claim dahil sa paglubog ng MT solar sa Guimaras Strait noong 2006.
Dagdag ni Rillo sa record ng Oriental Mindoro Provincial Government umaabot na sa 20,932 ang mga mangingisda, 61 tourism establishments at 750 community-based organizations ang inaasahang magpa-file ng claims.
Bukod sa Tourism-Related Claimants, inaasahang din anyang hihingi ng danyos ang may-ari ng mga beachfront properties, fishing boats, at fishing gear na naperwisyo ng oil spill.
Ayon kay Rillo kasama din na hihingi ng damage claim ang mga nawalan ng pagkakakitaan tulad ng mga mangingisda, seaweeds farmers at fishpond operators.
Bukod pa aniya rito ang claims ng mga local na pamahalaan na gumastos ng malaki para tugunan ang tagas ng langis, kasama ang clean-up contractors at Philippine Coast Guard (PCG).
Vic Somintac