Paniningil ng terminal fee sa OFW’s, aalisin na
Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at airline companies para ilibre na sa terminal fees ang mga OFW.
Ibig sabihin, awtomatiko nang tatanggalin ng airline companies ang limandaan at limampung pisong (₱550) terminal fee kapag bumili ng ticket ang mga OFW sa ticketing centers.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, kailangan lamang magpakita ng katibayan ang mga OFWpara malibre sa pagbabayad ng terminal fees.
Nilinaw naman ng kalihim na sa person to person purchasing pa lamang epektibo ang libreng terminal fees at sa Hulyo pa ito maipatutupad sa online ticketing.