Paninisi ng DOH kay PAO chief Atty. Persida Acosta sa measles outbreak, diversionary tactic lamang
Tinawag na “media blitz” ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta ang paninisi sa kaniya ng Department of Health (DOH) na kaya nagkaroon ng measles outbreak ay dahil sa pagsisiwalat niya na marami ang namatay sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Maging si DOH secretary Francisco Duque III ay tinukoy si Acosta kaya’t marami ang natakot na magpabakuna kontra tigdas.
Giit ni Acosta hindi siya ang dapat sisihin kundi ang DOH mismo dahil sila ang may kapabayaan at kakulangan ng impormasyon tungkol sa bakuna sa tigdas at ang tinutukan lamang ng ahensya ay ang pagbili sa mahigit 3 bilyong pisong Dengvaxia vaccine.
Aniya, diversionary tactic lamang ito ng DOH upang matuon sa kanila ang paninisi sa kapabayaan nila sa kanilang tungkulin.
“Tungkulin ng DOH na palakasin ang ibang klase ng bakuna. Eh yung kapabayaan nila at ang pagtutok ng DOH sa Dengvaxia ay sisihin nila ang sarili nila dahil hindi pinagtuunan ng pansin ang pangangampanya sa mabubuting bakuna…Bakit isisisi sa amin?” – PAO Chief Atty. Persida Acosta
===============