Panukakalang gawing ligal ang Motorcycle for Hire, inihain sa Senado
Nais ni Senador Sonny Angara na gawing ligal ang Motorcycle for Hire sa harap ng tumitinding problema sa traffic sa Metro Manila.
Sa kaniyang Senate Bill 1025, nais ni Angara na pa-amyendahan ang Land Transportation and Traffic code para payagan ang mga motorsiklo at maipa-rehistro sa Land Transportation Office (LTO) bilang mga pampublikong transportasyon.
Isa sa tinukoy ni Angara ang Angkas na pinayagang makapag-operate sa loob ng anim na buwan bilang mga motorcycle taxis.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic code, inirerehistro ang mga motorsiklo bilang mga private at hindi para mag- transport ng mga pasahero.
Pero ayon sa Senador, tumitindi ang problema sa traffic pero hindi naman maaring asahan ang mass transport system.
Inihalimbawa ni Angara ang nasunog na LRT- 2 kung saan libu-libong mga commuters ang naperwisyo.
Ulat ni Meanne Corvera