Panukala ni Cong. Joey Salceda na bigyan ng Emergency power si Pangulong Duterte para sa Build, Build, Build program, welcome sa Malakanyang
Naniniwala ang Malakanyang na mapapabilis ang Build Build Build program kung mayroong emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng panukala ni Congressman Joey Salceda na maghahain siya ng panukalang batas para mabigyan ng emergency power ang Pangulo para mapabilis ang implementasyon ng Build Build Build program ng pamahalaan.
Sinabi ni Panelo na kakausapin niya ang Pangulo kung pabor itong mabigyan ng emergency power para sa Build Build Build program.
Magugunitang umalma ang Malakanyang sa banat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na failure ang ipinagmamalaking Build Build Build program.
Ulat ni Vic Somintac