Panukala ni FVR na bawasan ang lugar sa Mindanao na nasa ilalim ng Martial Law ibinasura ng Malakanyang

Tinanggihan ng Office of the Solicitor General ang mungkahi ni dating Pangulong Fidel Ramos na bawasan ang mga lugar na sakop ng Martial law sa Mindanao.

Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na mahirap gawin ang suhestiyon ni dating Pangulong Ramos dahil walang secured boarders sa Mindanao para mapigil lamang sa isang lugar ang mga teroristang grupo.

Ayon kay Calida madali aniyang makalipat sa ibang lugar ang Maute group kayat hindi praktical ang mungkahi ng dating Pangulong Ramos.

Inihayag ni Calida na kahit saang lugar  sa Mindanao ay may mga symphatizers ang local terrorist groups kaya hindi uubra ang mungkahing  limitahan ang mga lugar na sakop ng Martial Law sa Mindanao.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *