Panukala para mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mga dating Pangulo isinulong sa Senado
Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mga nagsilbing Pangulo ng bansa.
Sa panukalang batas na inihain nina Senators Ronald dela Rosa, Christopher Bong Go, Mark Villar at Francis Tolentino, hiniling nila na mabigyan pa rin ng security personnel ang mga naging Pangulo at kanilang pamilya.
Bukod pa rito ang isa o dalawanmg staff pipiliin ng dating Pangulo at pribadong tanggapan na pipiliin ng Office of the President
Iginiit ng mga Senador na bilang nagsilbing mga Pangulo, naiimbita pa rin sila sa mga pagtitipon at meeting ng mga foreign dignitaries.
Ito”y bilang pagbibigay ng dignidad at pagkilala sa mga naging dating Pangulo.
Ang gastusin para dito ay sasagutin ng gobyerno.
Sakaling maaprubahan at maging batas, masasakop nito sina dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni dela Rosa na minimal lang naman ang magagastos ng gobyerno hinggil dito kumpara sa kanilang naging serbisyo sa loob ng kanilang termino.0
Pero tutol si Senador Jinggoy Estrada sa panukala at sinabing mag a abstain siya sakaling isalang ito sa botohan sa Senado.
Meanne Corvera