Panukala para palakasin ang laban ng gobyerno sa Tuberculosis at Kidney diseases, isinulong sa Senado
Nais ni Senador Christopher “Bong” Go na palakasin pa ang laban ng gobyerno sa iba pang nakamamatay na sakit maliban sa Covid -19.
Tinukoy ng Senador na siyang Chairman ng Senate Committee on Health ang lumalalang kaso ng Tuberculosis at Kidney failure kung saan marami ang dina-dialysis at namamatay.
Naghain na si Go ng Senate Bill no. 1748 para amyendahan ang Republic Act 10767 o ang Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act.
Layon nitong magkaroon ng TB at Monitoring system kung nabibigyan ba ng lunas ang mga pasyente.
Sa datos aniya ng World Health Organization (WHO), pangatlo na ang Pilipinas sa may pinakamalaking kaso ng TB sa buong mundo
Sa Senate Bill 1749, nais naman ng Senador na magkaroon ng Comprehensive Renal Replacement Therapy services sa lahat ng Filipino na dumaranas ng end stage kidney diseases.
Dapat rin aniyang palawakin sa Kidney Transplant ang masasakop ng Philhealth at dapat ilibre ang pagpapa-dialysis.
Senador Bong Go:
“Sa ating kagustuhan na patuloy na palakasin ang ating Public healthcare system, nagsumite po tayo ng mga bagong panukalang batas na magpabuti ng ating mga programa sa paglaban sa TB at Kidney diseases,”
Ulat ni Meanne Corvera