Panukala para sa Bayanihan 3 umani ng suporta
Aabot sa 224 mambabatas na ang sumuporta sa Bayanihan to Arise As One Act o Bayanihan 3 na inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Sa ilalim ng panukalang ito maglalaan ng P420-billion stimulus package ang kongreso para makatulong na makarekober ang ekonomiya dahil aa epekto ng COVID-19.
Nakasaad rito ang paglalaan ng 108 bilyong piso para sa karagdagang pondo sa social amelioration sa mga mahihirap na naapektuhan ng COVID 19 pandemic, P100 billion pondo bilang pang ayuda sa mga sektor na naapektuhan ng pandemya.
P52 billion ang inilaan para sa wage subsidies; P70 billion upang matulungan ang mga naapektuhang magsasaka at iba pang nasa sektor ng agrikultura, P30 billion para sa internet allowances ng mga guro at estudyante, P30 billion na pang ayuda sa mga nawalan ng trabaho, P25 billion para sa COVID-19 treatment and vaccines; at P5 billion para sa rehabilitation ng mga lugar na naapektuhan ng katatapos na kalamidad.
Sa ilalim ng panukala, bawat pamilya ay tatanggap ng 1 libong piso mula sa gobyerno kahit ano pang estado nito sa buhay.
Habang karagdagang P1,000 naman na allowance sa mga estudyante at guro at P8,000 para sa manggagawang nawalan ng trabaho.
Giit ni Velasco ang Bayanihan 3 ay pagpapakita ng matibay na commitment of ng kongreso upang matulungan ang ehekutibo sa pagresolba sa mga problemang idinulot ng pandemya.
Madz Moratillo