Panukala para sa dagdag benepisyo ng mga Healthcare Workers, Lusot na sa Senado
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na benepisyo at allowances sa mga health worker sa panahon ng public health emergency.
Unanimous o dalawamput tatlong Senador ang bomoto pabor sa Senate bill 2421 o COVID-19 Benefits and Allowances for Health Workers Act of 2022.
Kung lalagdaan ng Pangulo at magiging ganap na batas, magiging sakop sa mabibigyan ng dagdag benepisyo ang lahat ng health workers anuman ang employment status sa mga private at public hospital.
Sa panukala, ang health workers na made-deploy sa mga itinuturing na low risk areas
tatanggap ng 3000 pesos na dagdag allowances.
P6,000 sa mga manggagawang nasa medium risk habang P 9,000 sa mga high risks areas tulad ng ICU kung saan naka confine ang COVID positive patient.
Ang matatanggap nilang allowance at iba pang benepisyo hiwalay pa sa mga nakukuha nilang benepisyo at hazard pay na itinatakda ng magna carta of public health workers law at collective bargaining agreement sa mga private employees.
Magiging retro active ang batas mula july 1, 2021 at ipapatupad habang may State of National Public Health Emergency na idineklara ng Pangulo.
Meanne Corvera