Panukala para sa paglalaan ng indemnification fund target ipasa ng Kamara sa Lunes
Tiniyak ng Liderato ng Kamara ang buong suporta sa laban ng Gobyerno kontra COVID – 19.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, ang suportang ito ay kita sa mabilis na pagkakapasa ng 2021 national budget kasama ang P72.5 billion allocation para sa vaccine procurement gayundin ng Bayanihan 1 at 2.
Handa rin aniya ang Kongreso na ipasa ang Bayanihan 3, na nagsusulong ng P420-billion pondo para sa COVID-19 response and recovery interventions kasama rito ang P25-billion budget para sa COVID-19 treatment and vaccines.
Tiniyak rin ni Velasco na sa Lunes ay maipapasa nila sa ikalawa at ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 8648 o paglalaan ng indemnification fund na hinihingi ng vaccine manufacturers.
Madz Moratillo