Panukala sa pagpapataas ng bed capacity ng mga ospital aprubado na sa second reading sa Senado
Matapos ang mahabang debate, inaprubahan na sa second reading sa Senado ang labintatlong panukalang batas para sa pagdaragdag ng bed capacity, improvement at pagpapatayo ng mga ospital sa ibat ibang panig ng bansa.
Sinabi ni Senador Bong Go na Chairman ng Senate health committee na kasama sa mga naaprubahan ang pagpapataas sa bed capacity ng Lying-in clinic sa Rizal Palawan; rosario at Naguillan District Hospital sa La Union; District Hospital sa Sinait Ilocos Sur; East Avenue Medical Center sa Quezon city at ang Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Misamis Occidental.
Aprubado na rin ang pagpaoatayo ng Bacolod city General Hospital sa Bacolod Negros Occidental; Eastern Pangasinan Regional Medical and Trauma Center sa Rosales Pangasinan; Davao Occidental General Hospital sa Malita Davao Occidental at ang Neptali Gonzales Hospital sa Mandaluyong city.
Sa panukala, , sasailalim sa conversion ng Merdina Extension Hospital sa Medina Misamis Oriental patungong General hospital at ang Schistosomiasis Control and Research Hospital patungong Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital .
Patataasin din sa ilalim ng panukala ang bed capacity ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban city.
Sinabi ng Senador na malaking problema ng bansa ngayong may COVID-19 pandemic ang kakulangan ng mga hospital beds partikular sa ICU dahilan kaya hindi agad nagagamot ang mga pasyente.
Meanne Corvera