Panukalang 2-day number coding ng MMDA, “anti poor” ayon kay Rep. Evardone
Para kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone maituturing na anti-poor ang panukala ni MMDA Chairman Danny Lim na 2-day number coding sa Metro Manila.
Ayon kay Evardone, papabor lamang sa mga mayayaman ang nasabing panukala dahil maari ang mga itong bumili ng bagong sasakyan na lalo lamang makapagpapalala ng problema sa trapiko.
Kabaligtaran naman aniya ito para sa mga wala namang kakayahang bumili ng bagong sasakyan ay magiging hindi produktibo dahil sa palpak na mass transport system.
Sa halip aniya na magkaroon ng 2-day number coding maaari namang gumawa ng short-term measure para mapaluwag ang daloy ng trapiko tulad ng paglilinis ng sidewalks at mga obstruction na humaharang sa trapiko.