Panukalang 20% discount sa mga estudyante sa lahat ng uri ng transportasyon lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala na bigyan ng 20% discount sa lahat ng uri ng transportasyon ang mga estudyante sa buong bansa.

Nasa 169 kongresista ang bumoto ng yes habang wala namang bumoto ng no sa panukala.

Sa ilalim ng House Bill 8885 o Student Fare Discount Act obligado nang magbigay ng 20% student fare discount ang mga bus, jeepneys, taxis, tricycle, transport network vehicle services (TNVS), MRT, LRT gayundin ang mga airlines at barko.

Kasama din ang mga araw ng Sabado at Linggo gayundin ang mga holidays na maaaring makapag-avail ng student discount.

Para makapag-avail ng 20% student fare discount sa lahat ng uri ng transportasyon, kailangan lamang magpakita ng valid school ID o enrollment form ang mag-aaral.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *