Panukalang 2022 National budget,natanggap na ng Senado
Naisumite na ng Department of Budget sa Senado ang kopya ng National expenditure program na nagkakahalaga ng ng 5.024 trillion pesos
Si Senate President Vicente Sotto ang tumanggap ng kopya ng budget mula kay DBM Undersecretary Janet Abuel.
Ang panukalang pondo ay mas mataas ng 11.5 percent kumpara sa 2021 National budget.
Ayon kay Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate finance committee, mas magiging mabusisi at mahigpit ang Senado sa pagkilatis sa pambansang budget.
Partikular na rito ang pondo pagtugon sa pandemya.
Sinabi ni Angara na kailangan itong busisiin dahil bukod sa mga kwestyunableng pondo na natukoy ng Commission on Audit , nakapagtatakang nanghihingi si Health secretary Francisco Duque ng dagdag na pondo pero hindi nagagamit.
Nauna nang sinabi ni Senate majority Leader Franklin Drilon na aabot sa 24 billion pesos ang unobligated o hindi nagastos na pondo ng DOH.
Iginiit naman ni Senador Grace Poe na hindi dapat magkaroon ng underspending gaya ng naging puna ng COA.
Meanne Corvera