Panukalang 4.5 trillion budget pinal nang pinagtibay ng senado
Pinal nang pinagtibay ng senado ang House bill 7727 o panukalang 4.5 trillion national budget para sa susunod na taon
Dalawamput dalawang senador ang bomoto pabor sa panukalang budgrt
Sa sesyon kanina una itong inaprubahan sa period of amendments o second reading pero dahil may certification itong urgent mula sa malacanang inaprubahan na rin ito sa third reading.
Ayon kay senator sonny angara na chairman ng senate committee on finance mayorya ng pondo gagamitin sa paglaban sa covid pandemic.
Katunayan maraming pampublikong ospital ang mabibigyan ng karagdagang pondo para mapalakas ang laban kontra pandemya at iba pang sakit.
Malaking bahagi rin ng pondo tutugon sa pagbangon ng ekonomiya at pagtugon sa mga biktima ng kalamidad
Hindi nakaboto sina senador ronald dela rosa dahil nagpapagaling pa ito sa covid 19 habang nakakulong naman si senador leila de lima.
Sinabi ni majoriry leader juan miguel zubiri on time na naipasa ng senado ang budget at maaga itong maisasalang sa bicameral conference committee
Meanne Corvera