Panukalang 4-day work week lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang panukalang ibaba sa apat na araw ang working days kada linggo.
Alinsunod sa House Bill 6152, maitataguyod ang business competitiveness, work efficiency at labor productivity sa pamamagitan ng pagbabawas sa araw ng paggawa.
Nakasaad rin sa panukalang batas na pinapayagan ang mga empleyado na magtrabaho ng apat na araw kada linggo kapalit ang pagta-trabaho ng 12 oras kada araw.
Sa ilalim ng labor code, kinakailangan na makapagtrabaho ang isang empleyado ng hindi bababa sa 40 oras at hindi naman lalagpas sa 48 oras.
Nakasaad din sa panukalang batas na ang mga manggagawa sa ilalim ng compressed work week ay makakatanggap ng overtime pay sakaling lumagpas sila ng 48 oras kada linggo.