Panukalang 5.268 Trillion pesos na National budget sa 2023 isusumite na sa plenaryo sa lunes
Nagbigay na ng commitment si Senador Sonny Angara na isusumite na sa plenaryo ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa lunes ang panukalang 5.268 Trillion National budget para sa susunod na taon.
Sinabi ni Angara na Chairman ng Senate Finance Committee na ito’y para agad maisalang sa plenary debates at mapaspasan ang pagpapatibay ng panukalang pondo.
Mahalaga aniya na maipasa agad ang budget para tugunan ang problema ng gobyerno lalo na sa recovery ng mga lugar na matinding hinagupit ng bagyong Paeng.
Sinabi ni Angara na sa 2023 budget, aabot na sa 30 billion ang calamity funds ,mas mataas kumpara sa budget ngayong taon.
Pero bukas aniya ang Senado sa anumang amendments kung dadagdagan ito ng ehekutibo lalo na kung pagbabatayan ang lawak ng pinsala ng bagyong paeng partikular na sa Mindanao.
Kailangan rin aniya ang dagdag na tulong ng gobyerno para tulungan ang mga kababayang apektado ng kalamidad.
Meanne Corvera