Panukalang alisin ang VAT sa basic commodities para solusyunan ang inflation hindi pinaboran
Hindi pabor si Senador Imee Marcos sa panukalang tanggalin ang value added tax sa basic commodities para solusyunan ang inflation o mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin .
May pending na panukala sa Kamara na alisin ang VAT sa basic commodities tulad ng tinapay, asukal at cooking oil para tulungan ang mga mamimili at mga negosyante.
Ayon kay Marcos, dapat pag- aralang mabuti ang hakbang.
Pangamba niya baka wala nang kokolektahing buwis ang gobyerno kung aalisin ang VAT sa pagkain.
Naiintindihan niya raw na 60 percent ng income ng bawat pamilya napupunta sa pagkain dahil sa inflation pero baka makaapekto ito sa tax collection ng pamahalaan.
Kapag nangyari ito ayon sa mambabatas, wala ng magagamit na pondo para sa ayuda at iba pang serbisyo sa publiko ng gobyerno.
Meanne Corvera