Panukalang armasan ang mga bumbero , hindi nakakuha ng suporta sa Senado
Ibinasura ng Senado ang panukalang armasan ang mga bumbero sa ilalim ng amyenda sa modernisasyon ng Bureau of fire Protection o BFP.
Labingtatlong Senador ang bomoto para maibasura ang amyenda, apat lang ang pumabor habang dalawa ang nag-abstain.
Sa panukala, bibigyan ng short firearms ang mga bumbero sa panahon ng emergency at mga disaster na inindorso ni Senator Francis Tolentino at ipinanukala ni Senator Christopher Bong Go.
Wala sa sesyon si Senator Go nang tinalakay ang panukala kaya naghain ng mosyon si Senate Minority Leader Franklin Drilon na pag-usapan muli ang isyu.
Giit naman ni Senator Grace poe hindi mandato ng mga bumbero ang pagdadala ng armas.
Kung mayroon man aniyang mga kawatan o nagsasamantala sa mga nirerespondehan nilang sunog maari naman itong i-coordinate sa mga pulis na syang dapat umaksyon sa mga ganitong kaso.
Meanne Corvera