Panukalang Bangsamoro Basic Law, inendorso na sa plenaryo ng Senado

Lumusot na sa committee level ng Senado at ini-endorso na rin sa plenaryo ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, chairman ng Sub-committee ng local government, sa pamamagitan ng BBL, magkakaroon ng sariling political at economic capability ang mga taga-Mindanao.

Sa panukalang batas, makakasama sa masasakop ng itatayong Bangsamoro government ang kasalukuyang teritoryo ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM kasama na ang anim na munisipalidad ng Lanao del Norte, Cotabato, Isabela at 39 na Barangay sa North Cotabato.

Tulad naman ng sistema ng parliamentary, ang Bangsamoro government ay pamumunuan ng isang Chief minister pero mauupo sa pamamagitan ng eleksyon.

Pero mananatili pa rin sa central government ang kontrol o kapangyarihan lalo na sa mga itatayong Constitutional offices.

Kontrolado rin ng Commission on Audit ang itatalagang Bangsamoro Auditing office dahil na rin sa mga alegasyon ng talamak na katiwalian partikular na sa ARMM.

Isinama sa probisyon ng BBL ang anti-dynasty o pagtakbo ng mga magkaka mag-anak sa posisyon at ang pagbabawal na magpalipat-lipat ng partido.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *