Panukalang batas na babaan ang edad ng mga batang maaaring sampahan ng Criminal liability, mamadaliin ng Senado

Papaspasan na rin ng Senado ang pagpapatibay sa panukalang batas na layong ibaba ang edad ng mga kabataang maaring sampahan ng Criminal liability.

Ppasado na sa Kamara ang panukala na ibaba sa 9 na taong gulang ang maaaring kasuhan kapag nasangkot sa krimen mula sa kasalukuyang 15 taong gulang batay sa Juvenile justice law.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, may concensus na sa Senado na ipasa ang panukala bago mag-adjourn ang sesyon ngayong Pebrero.

Ppero tutol si Sotto na ibaba sa siyam na taong gulang sa halip ay hanggang 12 taong gulang ang dapat makasuhan.

Aminado ang Senador na dapat parusahan at papanagutin sa batas ang mga kabataang nasasangkot sa krimen katulad ng mga suspek  sa panghahalay sa Cainta, Rizal.

Ssa panukala ni Sotto, kung mapapatunayan na sangkot ang mga kabataan sa krimen, hindi sila dadalhin sa mga kulungan kundi sa mga bahay pag-asa para sa kanilang intervention at rehabilitation.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *