Panukalang batas na dagdagan ang recruitment ng mga babaemg pulis, isinulong sa Senado

Pinaaamyendahan sa Senado ang Republic Act 8551 oo Philippine National Police reform and reorganization act of 1998 para dagdagan ang recruitment ng mga babaeng pulis.

Sa Senate Bill 2213 na inihain ni Senador Leila de Lima, nais nitong paamyendahan ang Section 58 ng batas na naglilimita sa mga babae sa police force.

Pero ayon kay De Lima, nakakabahala ang mga kaso ng pang-aabuso at panghahalay ng ilang pulis sa ilang bata at babae na nasa kanilang kustodiya.

Katunayan sa datos aniya ng Center for Women resources, umaabot na sa 56 na pulis ang nasangkot sa violence against women kasama na ang kaso ng panghahalay sa isang teenager kapalit ng paglaya sa kaniyang mga magulang na nakasuhan dahil sa iligal na droga.

Sa ilalim aniya ng Magna Carta  of Women, obligado ang PNP na magdagdag ng babaeng pulis hanggang 50 percent ng police force pata mabawasan ang mga kaso ng pang-aabuso.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *