Panukalang batas na lilikha ng Department of Disaster Resilience muling inihain sa Kongreso
Muling bubuhayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ang panukalang batas na lilikha ng Department of Disaster Resilience o DDR.
Ang House Bill number 13 ay iniakda ni incoming House Speaker Martin Romualdez kasama sina Representatives Yedda Marie Romualdez and Jude Acidre ng Tingog party-list group.
Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng sentralisadong ahensiya na tututok sa Disaster Management and Reduction sa bansa dulot ng Climate Change.
Ang DDR ay pamumunuan ng isang Cabinet Secretary katulong ang apat na Undersecretaries.
Batay sa record ang Pilipinas ay tinatamaan ng bagyo na hindi bababa sa 19 kada taon kung saan 74 percent ng mga Filipino at 80 percent ng land area ng bansa ay exposed sa banta ng natural calamities.
Kung magiging ganap na batas ang DDR ang papalit sa Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.
Vic Somintac