Panukalang batas na lilikha sa Medical reserve corps , inihain sa mababang kapulungan ng Kongreso
Bago pa man opisyal na magbubukas ang 19th Congress sa July 25 inihain na nina Leyte 1st District Congressman Martin Romualdez kasama sina Tingog Partylist Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Azidre ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Medical Reserve Coprs.
Batay sa House Bill number 2 naging problema ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga medically trained personnel para tugunan ang health care system ng bansa sa panahon ng pananalasa ng pandemya ng COVID 19.
Ayon sa data ng World Health Organization o WHO mayroon lamang 6 na doctor kada 10,000 population ng bansa mas mababa sa sa standard na 10 doctor kada 10,000 na filipino.
Sa ibang mga kalapit bansa ng Pilipinas na miyembro ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN ay mataas ang ratio ng medical doctor sa kanilang required population.
Sinasabi pa sa data ng healthcare status ng bansa mayroong 290,000 na shortage sa mga health workers na lalong lumala dahil sa paglayas patungong abroad ng 13,000 medical personnel kada taon.
Kung magiging batas ang medical reserve group ay bubuuin ng mga lisensiyadong doktor, kasama ang mga retirado, mga medical students na nakatapos na ng unang apat na taon ng medical course, mga nakatapos na ng kurso sa medisina na hindi pa nakakakuha ng medical board examination at mga registered nurse.
Ang Medical Reserve Corps ay isasailalim sa Health Medical Emergency Bureau ng Department of Health na magagamit ng bansa sa panahon ng medical health emergency.
Vic Somintac