Panukalang batas na magbabawal sa pagbili ng sasakyan kung walang parking space, muling isinulong sa Senado
Muling inihain ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senado ang panukalang batas na nagbabawal sa pagbili ng sasakyan kung walang parking space.
Sa Senate Bill 368 o Proof of Parking Space Act, inoobliga ang mga car buyers na magpakita muna ng notarized affidavit katunayang mayroon silang permanenteng parking space bago makabili ng sasakyan.
Ang affidavit ay isa na rin sa dapat hinging dokumento sa pagpaparehistro sa Land Transportation Office (LTO).
Katiwiran ni Gatchalian, tumitindi ang traffic sa mga kalsada dahil sa mga naka-park na sasakyan.
Pinapayuhan naman ang publiko na ireport sa LTO, MMDA at Engineering office ng mga Local Government Units ang mga illegal parking sa mga street, alleys o pathways na ginagamit bilang pedestrians.
Sakaling maging batas, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng hanggang limampung libong piso bukod pa sa posibleng pagkumpiska ng kanilang motor vehicle registration.
Ulat ni Meanne Corvera