Panukalang batas na magbibigay ng ibayong proteksyon sa mass media nilagdaan ni Pangulong Duterte
Pinirmahan na ni Rodrigo Duterte ang isang panukalang batas na naglalayong mas protektahan ang mga mamahayag na nasa broadcast media kabilang ang cable television, wire service organizations, at electronic mass media.
Batay sa Republic Act No. 11458 na nakasaad na hindi maaaring pwersahin ang mga media practitioners na isawalat ang confidential sources ng kanilang mga balita.
Maliban na lang kung sabihin ng Korte Suprema, Kamara, Senado o ano mang komite sa Kongreso na mahalaga ang pagsisiwalat dahil nakataya ang national security ng bansa.
Sasakupin ng batas ang mga accredited journalist, publisher, writer, reporter, contributor, opinion writer, editor, columnist, manager, at media practitioner na kasama sa pagsusulat, page-edit, pagpo-produce at paglalahad ng balita sa publiko sa broadcast media, wire organizations at electronic mass media.
Ang batas na ito ang nag-amyenda sa Republic Act No. 53 o mas kilala bilang “Sotto Law” Ang Sotto Law ay naipasa mahigit 70 taon na ang nakakaraan at nagbibigay lamang ng proteksyon sa print reporters.
Ulat ni Vic Somintac