Panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga motorista laban sa mga abusadong traffic enforcers isinusulong sa Kamara
Inihain na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga motorista laban sa mga mapang-abusong traffic enforcer.
Ito ang layunin ng House Bill 3366 na ini-akda ni 1-Rider Partylist Representative Bonifacio Bosita.
Nais ni Bosita na maipatupad ng tama, patas, at maayos ang batas at ordinansa sa mga motorista.
Ilan sa mga pangunahing nilalaman ng panukalang batas ni Bosita ay mabigyan ng kaukulang bayad sa danyos ang motorista kapag napatunayang mali ang huli ng pulis o traffic enforcer, mapatawan ng parusang administratibo ang pulis o ang enforcer na mapatutunayang nagkamali sa pagpapatupad ng batas trapiko.
Niliwanag ni Bosita kung magiging ganap na batas ang kaniyang panukala, mawawala na ang mga abusadong traffic enforcer na ginagawang gatasan ang mga motorista.
Vic Somintac