Panukalang batas na magpapakulong sa mga magulang na hindi magbibigay ng sustento sa anak isinusulong sa Kamara
Itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magpapataw ng parusang pagkakakulong sa mga magulang na hindi magbibigay ng sustento sa mga anak.
Ito ang nakapaloob sa House bill 4807 na inihain ni Davao city Congressman Paolo Duterte.
Batay sa panukalang batas ni Duterte makukulong ng dalawa hanggang apat na taon at may kaakibat na multang 100 thousand hanggang 300 thousand ang magulang na paulit-ulit na hindi magbibigay ng sustento sa mga anak.
Nakapaloob din sa panukalang batas ni Duterte hindi bababa sa 6,000 pesos kada buwan o 200 pesos kada araw ang sustento sa mga anak ng mga magulang depende sa kinikita.
Kung walang trabaho ang magulang maaaring sumali sa mga programa ng gobyerno sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para may maibigay na sustento sa mga anak.
Inihayag ni Duterte pangunahing hindi nagbibigay ng sustento ang lalaki dahil sa paghihiwalay sa asawa kaya maaaring dumulog sa Public Attorneys Office o PAO ang single parent na babae upang makakuha ng sustento.
Vic Somintac