Panukalang batas na magpapalawak sa mga gamot na masasakop ng VAT exemption, isinulong sa Senado
Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na mapalawig pa ang listahan ng mga gamot na exempted sa ipinapataw na value added tax.
Sa Senate Bill 2193, nais ni Senador Aquilino Pimentel na isama sa mga hindi na papatawan ng VAT ang gamot para sa mga may mental health conditions.
Sa panukala, aamyendahan nito ang Section 109 ng National Internal Revenue code of 1997 para ibaba ang presyo ng gamot na inirereseta sa mga may mental health problems.
Sa pag-aaral kasi aniya ng Philippine Statistics Authority (PSA) lumilitaw na ang mental illness at mental retardation ang pangatlo at pang-apat sa mga common disabilities sa buong bansa.
Noong nakaraang taon, nalagdaan na ang batas sa mental health pero hindi kasama sa inaprubahang batas ang affordable medicines.
Sa ngayon, tanging mga maintenance medicines pa lamang ang exempted sa VAT sa ilalim ng train law gaya ng gamot sa diabetes, hypertension at high cholesterol .
Ulat ni Meanne Corvera