Panukalang batas na magparusa sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na kasabwat ng mga smuggler ng Agricultural products isinusulong sa Kamara
Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magpaparusa sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na kasabwat ng mga smuggler ng Agricultural products.
Ito ang House Bill 3917 na iniakda ni House Senior Deputy Majority Leader Congressman Zandro Marcos na inindorso mismo ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee na mag-aamyenda sa Republic Act 10845 o Anti Agri Smuggling Law.
Sinabi ni Lee na ang Anti-Agri Smuggling Law ay kailangang baguhin dahil hindi kasama ang mga hoader at mga nasa gobyero na nagsisilbing protectors ng mga smuggler sa papatawan ng parusa.
Ayon kay Lee kung magiging ganap na batas ang panukala, parurusahan ng pagkakakulong ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na kasabwat ng smugglers ng Agricultural products.
Inihayag ni Lee nakarating sa Kongreso ang reklamo ng mga lokal na magsasaka na hanggang ngayon ay talamak parin ang smuggling ng mga Agricultural products tulad ng sibuyas, bigas, isda at mga frozen meat products.
Vic Somintac