Panukalang Batas na magtatakda ng limitasyon sa gastos sa kampanya ng mga kandidato, tinatalakay na sa Senado
Isang taon bago ang eleksyon, tinatalakay na sa Plenaryo ng Senado ang panukalang batas na magtatakda ng cap sa gastos sa kampanya ng mga kandidato.
Isinalang na sa Period of Amendments ang Senate Bill 810 na layong itaas ang Elections expenses ng mga Political parties at mga kandidato.
Sa panukala, magtatakda ng magkakaibang halaga ng gagastusin ng isang kandidato depende sa kanilang tinatakbuhang posisyon.
Ayon kay Senador Franklin Drilon, hindi umano kasi nasusunod ang kasalukuyang batas katunayang marami sa mga kandidato ang nandaraya sa deklarasyon ng kanilang campaign spending.
Senador Drilon:
“You know, we are kidding ourselves. We set all kinds of limits but we know…all candidates cheat in declaring their campaign expenses. Why don’t we just have one rate for all candidates? If it’s local, then the per capita expense would be limited by the number of voters in the locality. So, it’s a self-limiting amount. Just have one amount as a campaign expense. The size of the voting population would determine the total amount that a candidate would be allowed to spend”.
Suportado ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri ang panukala.
Ayon sa Senador, may mga kandidato umanong nakikipagsabwatan sa ilang Ad Agency o Broadcast station para hindi maideklara ang mga campaign ads at pinepeke ang ilang detalye ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).
Senador Zubiri:
“Most politicians cheat in the filing of their SOCE, in other words they are not filing the correct amount. That’s the truth of the matter, many candidates doctor their submissions, unfortunately. Ang nangyayari diyan, and I’ll be very honest about it, with many candidates, kinakausap na nila yung ibang radio stations. Minsan under the table na lang para makapasok pa rin sa expense limitation. Pwede nating maipasok yan if we increase the amounts now, pwede nating maipasok yan without any legal impediment yung nagastos natin”.
Iginiit naman ni Senador Cynthia Villar na nangunguna sa mga listahan ng pinakamayaman sa Senado, hindi usapin ng pera ang pagtakbo sa anumang posisyon sa Gobyerno.
Senador Villar:
“You know, pag winning candidate ka kahit mahirap ka maraming magbibigay sayo ng pera. Pag losing candidate ka kahit mayaman ka hindi ka mananalo. That’s the reality of PH politics. Wag nyong sabihing nasa pera yan. Pag winning candidate ka, ang daming magko-contribute. Pag losing candidate ka, maski gastahin mo lahat mg pera mo at mayaman ka hindi ka mananalo”.
Aprubado na sa Kamara ang Counterpart Bill nito kung saan itinakda sa 50 pesos ang dapat magagastos sa bawat kandidato na tumatakbo sa National position o mula Presidential hanggang Senatorial race mula sa kasalukuyang 10 pesos.
30 pesos naman kada botante ang dapat gastusin ng mga Local Candidates tulad ng mga Kongresista, Gobernador at mga Alkalde.
Pero si Senador Richard Gordon tutol na talakayin ang isyu.
Hindi aniya ito napapanahon at hindi makatutulong sa mga Filipino lalo na sa pagresolba sa problema sa Pandemya.
Senador Gordon:
“I don’t think I can vote for this right now, principally because the timing I think is not proper, because there is a pandemic going on. People are not too happy about the government, and if we raise it, they’re going to say you’re not solving the problem”.
Meanne Corvera