Panukalang batas na magtatatag ng on site in city resettlement para informal settlers lusot na sa 2nd reading sa Kamara
Umusad na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 5 na iniakda ni House Speaker Martin Romualdez na naglalayong magtatag ng On-Site In-City Local Government Resettlement Program para sa mga Informal Settlers.
Itoy matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa sa Kamara.
Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development Chairman Congressman Francisco Benitez sa kasalukuyan ay pawang off-site o sa labas ng Metro Manila itinatayo ang relocation houses para sa mga Informal Settlers na malayo sa trabaho, paaralan, at walang social services kaya kahit may pabahay na ay bumabalik pa rin sila sa lungsod, kung saan naroroon ang kabuhayan.
Kung magiging ganap na batas walang magaganap na forced eviction o demolition sa mga Informal Settlers maliban kung sila ay nasa danger zone.
Inihayag ni Benitez ang On-Site In City Resettlement para sa mga Informal Settlers ay umaayon sa Pambansang Pabahay para sa mga mahihirap Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Vic Somintac