Panukalang batas na nagbabawal ng paggamit ng mga estudyante ng cellphone sa loob ng klase
Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagbabawal sa mga estudyante na gumamit ng cellphone o ibang electronic device habang nasa loob ng klase.
Batay sa House Bill 662 o No Cellphone During Classes Act na iniakda ni Albay Congressman Joey Salceda, naglalayong ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng klase sa mga pribado at pampublikong paaralan sa bansa mula kinder hanggang grade 12 o senior high school.
Nakapaloob sa panukalang batas ni Salceda na maaari lamang magamit ng estudyante ang kanyang cellphone kung mayroong emergency.
Ipinaliwanag ni Salceda na kailangang walang dapat makagambala sa mga estudyante habang nasa loob ng klase upang maintindihan ang mga leksyon na itinuturo sa mga mag-aaral.
Vic Somintac