Panukalang batas para pigilan ang mga konektado sa terorista at rebeldeng grupo na tumakbo sa ilalim ng partylist system
Naghain si Senador Ronald bato dela Rosa ng panukalang batas para pigilan ang mga konektado sa terorista at rebeldeng grupo na tumakbo sa ilalim ng partylist system tuwing eleksyon.
Sa Senate bill 201, nais nitong paamyendahan ang kasalukuyang batas para agad i disqualify ng Comelec ang mga grupong hindi man direkta pero isinusulong ang pagpapabagsak sa gobyerno.
Ipinapadisqualify din nito ang mga grupong nag-uudyok sa mga kabataan na gumawa ng karahasan, labag sa batas at mag- aklas laban sa gobyerno.
Giit ni dela Rosa malinaw ang layon ng Partylist system na palawakin ang representasyon ng taumbayan sa Kongreso.
Pero sinamantala aniya ito at naabuso ,katunayan ay nakapasok na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga partylist group na nagsusulong ng rebolusyon at pagkakawatak watak ng taumbayan.
Bukod dito, tila naging family corporation na aniya ang partylist system sa dami ng mga mayayamang magkaka mag- anak na kumakatawan umano sa marginalized groups.
Meanne Corvera