Panukalang batas para sa in city housing sinusuportahan ng mas maraming Senador
Sinusuportahan ni Senador JV Ejercito ang mga panukalang batas para sa on site o in city resettlement para sa informal settlers at mga nakatira sa mga danger zone .
Ayon kay Ejercito, dapat ganito ang mga maging proyekto ng gobyerno dahil kahit magtayo ng pabahay pero nasa malalayong probinsya, aalis at iiwan ito ng mga recipeint lalo na kung walang livelihood opportunities.
Mahalaga aniya ang kabuhayan at basic facilities tulad ng Health at Educational facilities sa mga residente para makapamuhay ng normal .
Kasabay nito, isinusulong ng Senador na marenew ang corporate charter ng National Housing Authority bago ang expiration nito sa 2025.
Mahalaga aniya ang papel ng NHA sa housing sector bilang pangunahing production arm ng pamahalaan.
Hindi rin aniya makakamit ang target ng administrasyon na makapagtayo ng isang milyong pabahay kada taon kung mawawala ang NHA.
Meanne Corvera