Panukalang batas para sa libreng pag-aaral sa kolehiyo sa mga State Colleges and Universities pinirmahan na ni Pangulong Duterte
Ganap ng batas ang Universal Access to Quality Tertiary Education Bill matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Senior Deputy Execuive Secretary Menardo Guevarra na nagdesisyon ang Pangulo na pirmahan ang batas para sa libreng college education sa State Universities and Colleges matapos konsultahin ang mga economic managers.
Ayon kay Guevarra mayroon pondo na magagamit para tustusan ang pag-aaral ng mga kwalipikadong estudyante sa State Universities and Colleges kabilang na dito ang mga donasyon na manggagaling sa local at foreign financial assistance.
Magugunitang mismong si Budget Secretary Benjamin Diokno ang tumututol sa libreng college education dahil sa usapin ng pondo kaya natagalan bago napirmahan ng Pangulo.
Ulat ni: Vic Somintac