Panukalang batas para sa pagpapalakas ng Public Private Partnership lusot na sa plenaryo ng Kamara
Pinagtibay na sa ikatlong pagbasa sa plenaryo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 6527 o Public Private Partnership Act o PPP.
Sa ginawang botohan sa Kamara 254 na kongresista ang bomoto ng pabor at 3 ang bomoto ng kontra sa PPP Act.
Sinabi ni House Majority Leader Manix Dalipe na ang PPP Act ay kasama sa priority economic recovery bill ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Dalipe sa pamamagitan ng PPP Act maisasaayos ang contractual arrangement sa pagitan ng implementing government agency at private proponent para sa financing ng infrastructure project.
Inihayag ni Dalipe nasa probisyon ng PPP Act na ang isang proyekto ay paghahatian ng gobyerno at private contractor sa pamamagitan ng Official Development Assitance o ODA.
Niliwanag ni Dalipe na maaaring gamiting mode sa PPP ang Build Lease Transfer o BLT, Build Own and Operate o BOO at Build Operate Transfer o BOT.
Vic Somintac