Panukalang batas sa cooperative banking, suportado ng BSP

Pabor ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa agarang pagpasa sa panukalang Cooperative Banking Act.

Layon ng panukalang batas na ma-streamline ang regulatory requirements para sa cooperative banks.
 
Sinabi ni BSP Governor Benjamin E. Diokno na kasang-ayon ang panukala sa committment ng central bank na maisulong ang masiglang cooperative banking sector at mapalago ang rural economies.

Sa ilalim ng House Bill No. 9541, ang mga cooperative banks ay nasa BSP supervision.

Pero, imo-monitor pa rin ng Cooperative Development Authority (CDA) ang pagtugon ng mga bangko sa cooperative laws and regulations.

Alinsunod pa sa panukala, magbibigay ng incentives at privileges para mahimok ang pagbuo at organisasyon ng cooperative banks.

Pinalawig din ng panukala ang depenisyon ng membership sa cooperative banks na limitado sa ngayon sa cooperative organizations at associations.

Sa panukala, ang cooperative banks ay ang mga inorganisa para sa pangunahing layunin na magbigay ng financial services sa mga kooperatiba at mga miyembro nito at sa publiko.

Moira Encina

Please follow and like us: