Panukalang 4.5 Trillion National Budget, aprubado na ng Bicam
Inaprubahan na ng Bicameral conference committee ang panukalang 4.5 trillion National Budget para sa 2021.
Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, malaking bahagi pa rin ng pondo ay mapupunta sa sektor ng edukasyon.
Kasama sa popondohan ang Medical Scholarship and Return Service program sa ilalim ng Commission on Higher Education (Ched), Seed fund para sa development ng mga Medical schools sa mga State Colleges and Universities at pagdaragdag ng Clak allowance ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Gayunman, naglaan ang KOngreso ng 70 Billion peros na pambili ng bakuna laban sa Covid-19.
23 Billion naman ang inilaan ng Kongreso para sa rehabilitasyon ng mga lugar na matinding hinagupit ng nagdaang bagyo.
Kasabay nito, dumepensa si House Approriations Committee Chairman Eric Yap dahil sa umano’y hindi pantay na alokasyon para sa Infrastructure projects ng mga lalawigan.
Katwiran ng Kongresista, hindi magkakapareho ang pangangailangan ng bawat distrito.
Inaasahan na ang inaprubahang budhet ay isasalang na para sa ratipikasyon ng dalawang Kapulungan sa sesyon mamayang hapon para agad na mapalagdaan sa Pangulo bago matapos ang taon.
Ikinukunsidera naman ng dalawang Kapulungan na mapalawig ang Bayanihan-2 at 2020 Budget para magamit pa sa kampanya laban sa Covid-19 sa susunod na taon.
Meanne Corvera