Panukalang budget aprubado na sa bicam
Inaprubahan na ng Senado at Kamara ang panukalang 5.034 trillion national budget para sa 2022.
Nilagdaan na ng mga Senador at Kongresista ang bicameral conference committee report ng national budget kanina.
Sinabi ni Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee na nakatutok ang pambansang pondo para sa paglaban sa pandemya.
Katunayan naglaan ang dalawang kapulungan ng 50 billion pesos pambili ng bakuna para sa booster shot ng lahat ng pilipino lalo ngayong nakapasok na sa bansa ang Omicron variant ng COVID- 19.
May 50 billion pesos rin para sa Special Risk Allowance ng mga medical frontliner.
Nagkasundo ang bicam na itaas ang budget ng Department of Health sa 30 billion pesos mula sa 20 billion pesos na inirekomenda ng malakanyang.
Tututukan rin ng pambansang budget ang mga programa para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Dinagdagan rin ng bicam ang budget ng Department of Labor and Employment para COVID-19 testing ng naghahanap ng trabaho na apektado ng pandemya.
Ang bicam report ay inaasahang mararatipikahan sa huling sesyon ngayong araw para maisumite sa malakanyang at mapalagdaan na sa Pangulo.
Meanne Corvera