Panukalang budget para sa 2023 dapat maging responsive sa mga kalamidad
Pinatitiyak ni Senador Francis Tolentino na maging responsive sa anumang kalamidad ang panukalang 5.268 trillion National budget .
Sa harap ito ng sunod -sunod na pananalasa ng bagyo at lindol sa bansa kung saan maraming lalawigan ang naapektuhan.
Ayon sa Senador, nasaksihan nya ang hagupit ng bagyong paeng at maramig kabuhayan ang pinadapa ng bagyo.
Kailangan aniya sa panukalang pambansang budget ay dapat tugunan ang mga apektado ng kalamidad para agad silang makabangon .
Sa pagbabalik ng sesyon ngayong araw, i eendorso na ni Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee ng 2023 General Appropriations Bill.
Target ng mataas na kapulungan na matapos na ang debate sa panukalang pondo at maaprubahan bago matapos ang Nobyembre.
Meanne Corvera