Panukalang buwis sa sugar sweetened beverages, dapat masusing pag-aralan ayon sa mga eksperto
Pagkatapos ng mainit na usapin tungkol sa unlirice, tungkol sa asin tax, ngayon naman, ay dapat na lagyan din ng buwis ang mga inuming sinasangkapan ng asukal tulad ng softdrinks, juice at maging ang kape.
ayon sa isang Senador, kung ang layunin ng gobyerno ay mapababa ang bilang ng insidente ng obesity at overweight sa bansa, dapat ay ibinatay ang computation ng buwis sa dami ng asukal ng isang produkto at hindi sa bawat litro ng produkto.
Ito ay nag ugat dahil sa panukalang patungan ng sampung piso sa bawat litro ang buwis sa mga nabanggit na sugar sweetened beverages.
Samantala, ayon naman kay Ms. Joan Sumpio, isang nutritionist-dietitian at diabetes educator, dapat na pag aralang mabuti ng mga nagpanukala ang batas tungkol sa mga inuming sinasangkapan ng asukal dahil, baka lalong maapektuhan ang kalusugan ng mga Pilipino.
“Ang sugar po ay part pa rin po ng seven food groups na included sa balanced meal planning na itinuturo pa rin po ng mga nutritionist, so magiging masama lang naman yaan kung ang intake mo talaga in excess kung ano ung sinabi sa iyo na allowable mo, and then, ah, un, kahit na ung carbohydrates na un, balikan ko lang ung unli rice, magiging masama lang yan in excess”. : Ms. Joan Sumpio, Nutritionist-dietitian at diabetes educator
Sa kultura ng mga Pilipino, tunay na mahilig naman talaga tayong uminom ng kape at uri ng sugary sweetened beverages, kaya, tiyak na ang tatamaan sa buwis na ito ay tayong palainom ng mga may asukal na inumin.
Ulat ni: Anabelle Surara