Panukalang deployment ban ng OFWs sa Kuwait, pinag-aaralan ng DFA at DMW


Masusing pinag-aaralan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW), ang mga panawagan na deployment ban ng OFWs sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng ilang domestic workers doon.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na wala pang desisyon dahil marami ang mga bagay na dapat isaalang-alang.

Bukod sa pagprotekta aniya sa mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa, ay dapat na ikonsidera rin ang ugnayan ng Pilipinas sa Kuwait.
Kasama rin aniya sa inaaral ng DFA at DMW ay ang mga posibleng epekto kapag tuluyang ipinagbawal ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwaitm
Ayon kay Manalo, “So, we will have to really study this very carefully, taking into account iyong protection of our workers at saka iyong relations with the country concerned, in this case, Kuwait. So, iyon ang kailangan naming pag-aralan.”
Moira Encina-Cruz