Panukalang development at regulation ng natural gas industry, inendorso na sa plenaryo ng Senado
Inindorso na sa plenaryo ng Senado ang panukala para sa development at regulation ng natural gas industry.
Sa Committee report ng Senate bill 2203 o midstream natural gas industry developmemt act na pirmado ng labindalawang senador, sinabi ni Senate Energy Committee Chairman Sherwin Gatchalian na 19 percent ng kabuuang enerhiya ng bansa nagmumula sa natural gas.
Pero paano raw masusustinihan ang pangangailangan ng bansa para dito kung mauubos na ang suplay mula sa malampaya.
Ang Malampaya Gas Field na nasa palawan ang tanging pinagkukunan ng natural gas at nag ooperate sa pilipinas pero matatapos na ang kontrata nito sa 2024.
Kahit raw mapalawig pa ang kontrata nito pinangangambahang magkaroon ng krisis sa suplay nito.
Ito’y dahil ayon aniya sa Department of Energy tinatayang aabot na lang sa 858 million cubic feet ang suplay nito na maaring maubos sa unang quarter ng 2027.
Dahil dito napapanahon aniyang simulan na ng gobyerno ang oil exploration sa teritoryong sakop ng exclusive economic zone ng bansa.
Sinusuportahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto ang panukala para sa oil exploration.
Siabi ni Sotto, dapat samantalahin ng gobyerno ang arbitration ruling para maghanap ng mineral at natural resources sa west philippine sea.
Maari aniyang makipag partner ang Pilipinas sa China kung interesado ito.
Meanne Corvera