Panukalang expanded solo parents welfare act, pinagtibay ng Senado
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang expanded solo parents welfare act .
Dalawampu’t dalawang Senador ang bomoto pabor sa Senate bill 1411 na layong palawakin pa ang ibinibigay na na assistance ng gobyerno sa solo parents.
Ilan sa mga benepisyong maari anilang matanggap ang buwanang subsidy na 1000 pesos , automatic coverage sa Philhealth at automatic enrollment sa mga programa ng TESDA.
Sinabi ni Senador Risa Hontiveros Chairman ng Senate Committee on Women, Children, and Family Relations,ang dependents ng mga solo parent makakatanggap ng benepisyo hanggang sa edad na 22.
Kasama sa mga ituturing na solo parents ang mga asawa ng mga semi skilled workers tulad ng factory at construction worlers na nagtatrabaho abroad ng lapgpas na sa labindalawang buwan.
Meanne Corvera