Panukalang Federal Constitution, isinalang na sa deliberasyon sa Senado

Isinalang na sa deliberasyon ng senate committee on constitutional amendments and revision of codes ang panukalang federal constitution ng Malacañang.

Sa pagdinig, inatasan ni Senador Francis Pangilinan, chairman ng komite ang constitutional commission na iprisinta ang detalye ng draft ng federal constitution.

Sinabi ni Pangilinan na sa pamamagitan nito malalaman kung may clamor para amyendahan ang saligang batas at kung ito lang ba ang tanging paraan para makamit ang development sa mga mahihirap na lalawigan.

Sinabi ni Pangilinan na bubusisin nila kung kasama sa agenda ng concomm ang no election scenario sa 2019 at ang pinangangambahang term elections.

Sa ngayon wala pang pormal na posisyon ang senado sa magiging amyenda at kung ano ang mode na gagamitin para amyendahan ang saligang batas.

Pero ayon sa mga kinatawan mg concomm, hindi mangyayari ang pinangangambahang no el scenario kahit pa maaprubahan ang bagong federal constitution.


Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *