Panukalang gawing krimen ang hoax orders , inaprubahan ng Senado
Lumusot na sa third at final reading ng Senado ang panukalang batas na magpapataw ng parusa laban sa mga nanloloko sa pamamagitan pag- order ng produkto online.
Unanimous o Dalawamput tatlong Senador ang bomoto pabor sa Senate Bill No. 2302 o Food, Grocery, and Pharmacy Delivery Services Protection Act,.
Sa panukala gagawin ng krimen ang hoax orders, cancellation at pagtangging tumanggap ng mga unpaid orders.
Bawal rin ang pag-obliga ng mga food grocery at pharmacy delivery apps na pagbayarin ng advance ang riders at drivers.
Inoobliga rin ang mga providers para sa mandatory reimbursement scheme para sa mga delivery rider sakaling kanselahin ng customers ang order.
Ang mga customer naman kailangang magsumite ng proof of identity at address para tiniyak na mapoprotektahan ang kanilang impormasyon batay sa itinatakda ng Data Privacy law.
Meanne Corvera