Panukalang gawing krimen ang panloloko sa online deliveries, inaprubahan sa Senado

Inaprubahan na ng komite sa Senado ang panukalang gawing krimen ang panloloko sa online deliveries.

Sa inaprubahang Committee Report No. 273 ng Senate Trade Committee ni Senador Koko Pimentel mahigpit na ipagbabawal ang panloloko sa pag-oorder online, pagkansela ng mga in order o pagtangging bayaran ang mga online deliveries.

Sa harap ito ng sangkatutak na reklamo lalo na ng mga riders sa mga hindi nababayarang order o pagkansela matapos itong mabayaran sa mga business establishments lalo ngayong may pandemya.

Papatawan naman ng parusa ang mga taong gumagamit ng personal information ng ibang tao kapag nagpapa register sa mga delivery service, kabilang na ang mga pagkain o groceries.

Nakapaloob sa inaprubahang report ang implementasyon ng know your customer rules tulad ng pagsusumite ng proof of identity at residential address ng mga customers kapag magpapadeliver pero hindi maaaring isapubliko batay sa itinatakda ng data privacy law.

Meanne Corvera

Please follow and like us: