Panukalang gawing lifetime ang validity ng passport ng mga Senior citizens, Isinusulong
Isinusulong ni Senator Lito Lapid ang habambuhay na validity ng passport ng mga senior citizen.
Ayon sa Senador, kailangan ito ng mga senior citizen, lalo na’t karamihan sa mga ito ay mahihina na.
Sa Senate Bill No. 1197, sinabi ni lapid na hindi na kailangang pumila ng mga nakatatanda sa pagkuha ng pasaporte.
Pero tutol ang department of foreign affairs sa panukala.
Sa pagdinig ng senado, sinabi ng dfa na hindi ito aakma sa international standards partikular na ang International Civil Aviation Organizatios specifications.
Sa halip na makatulong baka raw lalo pa itong maka-perwisyo sa mga senior citizen.
Sa kasalukuyang sistema, sampung taon ang validity period ng isang pasaporte.
Meanne Corvera